JIGGER
 |
JIGGER a.k.a Jigs
Interview with Jigger
Paano ka nasali sa lintik na
banda na'to?
Bale nagsimula ang lahat sa pagsama kay Kenneth sa mga
gig ng BMR hanggang sa naisipan ni Jotay na kunin ako bilang
PA (naks! Hanep noh seryoso...)
Ano naman ang masasabi mo sa
pag-aalaga sa kanila? Makukulit ba?
Ok! Mababait naman silang lahat. Di naman kasi maiiwasan
ang kulitan e. Normal na yun sa banda. Lalo na pag nagsama-sama.
Promotor nyan si Jayson "Vladimir" Cuevas. (You
guys rock!)
Bukod sa reggae, ano pa ang
musical style ang pinapakinggan mo?
Actually marami. Music lover kasi ako e, kaya ko na-appreciate
ang iba't-ibang klase ng music tulad ng R&B, alternative,
grunge, jazz, blues, etc. Basta... NO MUSIC, NO LIFE!!!
May alam ka rin bang tugtuging
instrumento? Ano?
Gitara, bass, drums, percs... hanep no
May gusto ka bang batiin?
(Kanta ba ni Kitchie 'to?) Binabati ko nga pala nanay,
kapatid ko (Vergara family), mga tropa sa Palanan. Steady
lang tayo, parang reggae. Mabuhay kayong lahat!!!
|